Arestado ang 70 katao sa Makati city, matapos lumabag sa ordinansa sa curfew ng mga menor de edad at ang pagbabawal sa pag-inom ng alak at hindi pagsusuot ng t-shirt sa kalye.
Ayon kay Supt. Angelo Germinal, hepe ng Makati City police, 50 sa mga naaresto ay mga menor de edad na lumabag sa alas diyes na curfew.
Maaari naman umuwi ang mga menor de edad subalit kailangan silang sunduin ng kanilang mga magulang.
By: Katrina Valle