Nakaranas ng food poisoning ang hindi bababa sa 70 katutubong Aeta sa Capas, Tarlac matapos dumalo sa thanksgiving party ng isang NGO o non-government organization.
Batay sa ulat, ganap na alas dos ng hapon nagsimula ang kasihayan kung saan may kainan at bandang alas kwatro ng hapon nang makaramdam ang ilang dumalong aeta ng pananakit ng tiyan pagsusuka at pagdudumi.
Ang iba ay itinakbo sa Tarlac Provincial Hospital habang ang ilan ay tumanggi nang magpadala sa pagamutan.
Kabilang umano sa mga inihanda sa pagtitipon ay adobo, kilawin, gulay, kanin at ice cream.
Ayon sa lider ng katutubo na si Nora Cosme, matagal na rin umanong tumutulong sa mga katutubo ang naturang NGO na pinamumunuan ng isang dating madre.