Aabot sa 70 kilo ng botcha o double dead na karneng baboy ang nakumpiska ng Quezon City Veterinary Department sa isang stall sa palengke ng Novaliches.
Gayunman, nakatakas ang supplier ng botchang karne na mag-iisang buwan na umanong nagsusuplay sa naturang palengke.
Paalala naman ni City Veterinarian Dr. Hannah Cabel na magtaka na kung mas murang ibinebenta isang karne kumpara sa mga bagong katay.
Ilan aniya sa mga palatandaan ng double dead na karne ay ang discoloration, mabahong amoy at paglalaway ng karne.
Ibinabala ni Cabel na maaaring magdulot ng pagsakit ng tiyan, food poisoning na maaaring humantong sa pagkamatay ang pagkain ng karneng botcha.
By Ralph Obina