Tinanggal na ng Bureau of Customs o BOC ang 70 kumpanya sa listahan ng kanilang accredited importers.
Inihayag ito ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa isang press conference noong Martes, Enero 17.
Ayon kay Faeldon, limang kumpanya na ang naghain ng kanilang apela.
Idinagdag ni Faeldon na plano nilang tanggalin sa listahan ng mga accredited importer ang mga pinaghihinalaang smuggler.
By: Meann Tanbio