Nanganganib mapalunon ng pera ng Pangulong Rodrigo Duterte ang tinatayang 70 miyembro ng ‘pastillas’ gang na aniya’y gumagawa ng katiwalian sa NAIA.
Ayon sa pangulo mayruon na siyang listahan ng mga sangkot sa ‘pastillas’ scheme at hindi aniya niya papalampasin ang kalokohan ng mga ito.
Dahil mahilig sa pera ang sindikato sinabi ng pangulo na ipapakain niya sa mga ito ang perang kinukulimbat sa kanilang kalokohan bagama’t batid niya aniyang hindi magandang magpakain ng pera na maaaring ituring na Criminal Act.