Inihayag ni dating Health Secretary at Iloilo Representative Janette Garin na kailangan munang makamit ang 70% ng boostered population bago ikonsidera ang opsyonal na maskless sa bansa.
Sang-ayon si Garin sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maaari lamang maging optional ang pagsusuot ng facemask kung magiging matagumpay ang booster vaccination ng bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 15 million pa lamang ng mga Pilipino ang nakakakuha ng unang booster dose ng COVID-19 vaccine habang nasa halos 1 million naman ang kabuuang bilang ng mga naturukan na ng ikalawang booster dose.
Sinabi ni Garin na para maituring na fully immunized ang isang indibidwal, dapat muna itong makatanggap ng primary dose at isang booster dose.