70% ng mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) infected patients sa South Korea ang ganap ng nakarekober sa sakit.
Ayon sa pinakahuling tala, nasa 10,512 ang kabuuang bilang ng nahawaan ng covid 19 sa kanilang bansa matapos makapagtala ng 32 bagong kaso.
7,368 sa nabanggit na bilang o katumbas ng 70.1% percent ang idineklara nang virus-free o gumaling na.
Habang sinabi ng Korea Centers for Disease Control and Prevention na 2,930 ang nananatiling naka-isolate para sa gamutan at nasa 214 ang nasawi.
24 naman sa bagong kaso sa South Korea ang mga nanggaling ng ibang bansa at na-diagnosed lamang ang coronavirus sa mga checkpoints sa kanilang paliparan.