70% ng mga Filipino ang kuntento sa pagtugon ng kasalukuyang administrasyon sa edukasyon, disaster response at kalusugan.
Batay ito sa tugon ng Masa Survey na isinagawa ng OCTA Research Group sa 1,200 na lalaki at babaeng respondents na edad 18 pataas noong October 23 hanggang 27.
Kabilang sa mga nakalistang programa sa naturang survey ay food security, murang bilihin, pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon; paglaban sa krimen, korapsyon, pagpapalaganap ng kapayaan at kaayusan sa bansa;
Pagbabawas ng buwis sa mga mamamayan, pagprotekta sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers, pagpapatupad ng batas at pagpigil sa pagkasira ng kalikasan at pagkontrol sa lumalaking populasyon.
Ayon sa OCTA, 70% ng respondents ang kuntento sa mga programang ito, lalo sa pagbibigay ng maayos na edukasyon sa elementary at high school na umani ng 75% satisfactory votes.
Sinundan ito ng pagtugon ng pamahalaan sa mga kalamidad, may 75%; probisyon ng tertiary, technical at vocational education, 74% at maayos at murang health care, 73% satisfactory votes.
Gayunman, nakatanggap ng low rating o mababa sa 50% ang ilang programa gaya ng pag-kontrol sa inflation, 33%;
Paglikha ng mga trabaho, 22%; pagpapababa sa antas ng kahirapan, 25% at pagkontrol sa presyo ng mga bilihin sa 36%.