Aminado ang Department of Health (DOH) na nasa danger zone na ang kapasidad ng mga ospital sa National Capital Region (NCR) para sa mga COVID-19 patients.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, halos 70% ng nakalaang hospital beds para sa COVID-19 patients ang okupado na sa mga ospital.
Nauna nang sinabi ni Dr. Rustico Jimentez ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) na halos lahat ng private hospitals sa NCR ay napupuno na ng COVID-19 patients.
Sinabi ni Jimenez na karamihan kasi sa mga pasyente na may mild symptoms ng COVID-19 ay sa mga pribadong ospital na malapit sa kanilang tahanan nagpupunta.
Marami anya ang ayaw magtungo ng quarantine facility dahil masyadong malayo ito sa kanilang tahanan.