70% porsyento na ng kabuuang populasyon sa Metro Manila ang naturukan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.
Ipinabatid ito ni Parañaque City mayor Edwin Olivarez, chairman ng MMC o Metro Manila Council sa gitna nang patuloy na pagbabakuna ng local government units sa NCR.
Ayon pa kay Olivarez, nasa mahigit kalahati na rin ng target population sa NCR ang fully vaccinated na.
Sa ngayon aniya ay nasa halos 4M COVID-19 vaccine na ang nagagamit ng LGUs sa NCR.