Umabot na sa halos 70% ng social amelioration fund o halos P62-bilyon ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Irene Dumlao, spokesperson ng DSWD, nasa 9.6-milyong social amelioration program (SAP) beneficiaries na ang nakatanggap ng second tranche ng kanilang tranche.
Sinabi ni Dumlao na marami pa rin silang hamon na hinaharap para mapabilis ang pamamahagi ng second tranche ng SAP.
Gayunman, sinabi ni Dumlao na patuloy nilang sinisikap na maabot ang target na matapos ang pamamahagi ng second tranche sa ika-15 ng Agosto.
Kung Philippine National Police (PNP) ang partner ng DSWD at local government unit sa personal na pamamahagi ng SAP, ang mga financial service providers tulad ng bangko at remittance companies para sa kanilang digital distributions.
Beneficiaries ng SAP kumonti
Lumiit ang bilang ng mga beneficiaries ng social amelioration program (SAP).
Ito’y matapos tanggalin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 3-milyong pangalan mula sa listahan ng SAP beneficiaries.
Kabilang sa mga tinanggal ang mga may dobleng pangalan na hindi naman kwalipikadong makatanggap ng SAP.
Matatandaan na nasa 18-milyon ang naging benepisyaryo ng unang tranche ng SAP.