Patay ang 70 indibidwal habang sugatan naman ang mahigit isang daang iba pa sa panibagong air raid sa Yemen.
Ayon sa grupong Doctors Without Borders, pinaulanan ng bomba ng Saudi-led military coalition ang isang temporary detention centre sa lungsod ng Saada.
Pahayag naman ng Houthi government, karamihan sa mga nasawi ay mga preso sa kulungan.