Aabot sa 70 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang itinalaga sa mga pampublikong lugar sa Maynila upang matiyak na natutupad ang mga health protocols laban sa COVID-19 ngayong holiday season.
Pahayag ni Manila Police District (MPD) District Director Brig. Gen. Leo Francisco, makakatuwang ng mga elemento ng MPD Station 2 at Station 11 ang mga miyembro ng PNP-SAF sa Divisoria, Ylaya, at Recto.
Inatasan naman ni Francsico ang mga pulis na ipatupad ang maximum tolerance at huwag gumamit ng armas o baril hangga’t maaari.
Nilinaw din ng opisyal na sisitahin lamang ng mga alagad ng batas ang mga makikita nilang paglabag sa kani-kanilang areas of responsibility (AOR) at hindi sila basta-basta manghuhuli ng mga violators.