Tanging 70% venue capacity sa campaign rallies ang pinayagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ng mas maluwag na alert level 1 sa Metro Manila at mahigit 30 iba pang lugar.
Ipinaliwanag ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na alinsunod sa COMELEC Resolution 10732, pinapayagan ang 70% operational capacity ng venue kahit indoor o outdoor.
Indikasyon anya ito na mayroon pa ring limitasyon sa bilang ng mga pwedeng dumalo sa isang pagtitipon kahit ang isang lugar ay nasa ilalim ng alert level 1, na pinaka-mababang COVID-19 alert status.
Tiniyak naman ni Malaya na nakikipag-ugnayan ang DILG sa COMELEC kung paano ipatutupad ang mga restriksyon.
Simula kahapon hanggang Marso a–15, isinailalim sa alert level 1 ang National Capital Region at 38 iba pang lugar.