Dumating na sa Zamboanga City ang nasa 700 deportees mula sa Malaysia.
Karamihan sa mga ito ilegal na nakapasok sa Malaysia at naghahanap ng mas magandang trabaho.
Kasabay nito, tiniyak ng Department of Health (DOH) at Bureau of Quarantine na masusunod ang mga protocol sa pagdating ng mga deportees dahil sa banta ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Dalawang beses kinunan ng body temperature ang mga deportees, una ay bago umakyat sa barko sa Malaysia at pangalawa ay pagdating sa Zamboanga City.
Wala naman umanong nakitang may lagnat o may sakit sa mga deportees.