Tinatayang nasa 700 health workers ang nabakunahan sa unang araw ng pag-arangkada ng vaccine roll-out ng bakunang mula sa kumpanyang Sinovac.
Ayon kay Department of Health (DOH) Spokesperson Maria Rosario Vergeire, nasa 400 health workers mula sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila ang nabakunahan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi naman ni Dr. Dominador Chiong Jr., head ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC), na nasa 365 na mga health workers nila ang naturukan ng bakuna.
Hindi naman inaasahan ni Vergeire na mas mataas sa target nilang bilang ng mga medical workers ang mababakunahan kontra COVID-19.
Samantala, tiwala si Vergeire na matatapos sa loob ng dalawang linggo ang vaccine roll-out sa bansa. —sa panulat ni Rashid Locsin