Arestado ang 700 katao matapos ikasa ang one-time bigtime operation ng mga otoridad sa Central Visayas.
Aabot sa tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P25 milyong ang nasamsam ng mga otoridad sa operasyon sa loob ng 24 na oras.
Ayon kay Police Brig. Gen. Roque Eduardo Vega, hepe ng Police Regional Office-Central Visayas (PRO-7), umabot sa 149 operasyon ang inilatag sa rehiyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 3, 738 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P25, 420, 780.
Samantala, nagkasa rin ng operasyon laban sa Illegal gambling, loose firearms at pagtugis sa mga wanted na kriminal ang mga otoridad kung saan kabuuang 709 na personalidad ang naaresto.
Layunin ng hakbang na mabawasan ang kriminalidad sa rehiyon para matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa mga kriminal at iba pang sangkot sa mga ilegal na aktibidad.