Aabot sa 700 na mga navy sailors ang isasailalim sa quarantine ng bansang Taiwan matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tatlo sa mga ito na galing sa Goodwill Mission sa Palau.
Sinabi ni Health Minister Chen Shih-Chung, tumagal ng isang buwan sa Palau ang tatlong Taiwan navy vessels bago ito nagbalik sa kanilang bansa kamakailan.
Naka-isolate na umano sa iisang quarter ng barko ang tatlong COVID-19 patients, habang ililipat naman sa mga itinalagang quarantine area ang nasa 700 na mga marino.
Tiniyak naman ng Taiwan government na ligtas si President Tsai Ing-Wen kahit pa dumalo ito sa seremonya ng pagbabalik sa kanilang bansa ng tatlong navy vessels, dahil kumaway lamang ito sa mga sailor.