Higit 700 pamilya ang nakabalik na sa isang barangay sa loob ng Marawi City matapos ang giyera sa lungsod.
Pinayagan ang may 3,000 mga indibiduwal na makabalik sa kanilang mga tahanan sa Barangay Basal Malutlut dahil ito pa lamang ang barangay na nakakumpleto sa mga requirement ng lokal na pamahalaan.
Masayang-masaya ang mga residente ang iba pa nga ay halos lumuha pa nang muling makatapak sa kanilang mga tahanan matapos silang mawalay dito ng higit limang buwan.
Matatandaang mahigpit ang ginagawang pagproseso at verification sa mga residente bago mabigyan ng ID at muling mapapasok sa loob ng Marawi.
—-