Nakatakdang palayain ang nasa 700 persons deprived of liberty (PDLs) bago matapos ang 2022.
Ito ang inihayag ni Bureau of Corrections (BuCor) Officer-In-Charge, Gregorio Pio Catapang, na target ng ahensya na maparolan ang nasa 500 hanggang 700 preso ngayong taon o bago mag Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay Catapang, sinisimulan na nilang mabigyan ng Executive Clemency ang mga matatandang preso batay narin sa naging direktiba ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla.
Iginiit ng opisyal na nakapaloob sa batas na ang mga bilanggong nasa 70 taong gulang pataas, ay maaaring makapag apply para sa nasabing Grant Amnesty.
Sinabi ni Catapang na hindi umano bagay ang mga matatanda sa isang kulungan na overpopulated na katulad ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Matatandaang una nang iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na maglabas ng polisiya para magkaroon ng compassionate justice ang bansa.