Muling iginiit ng mga labor group ang 700 pisong national minimum wage na isang magandang regalo ng administrasyon para sa mga manggagawa sa darating na Labor Day sa Mayo 1.
Pero ayon kay ALU-TUCP Spokesman Allan Tanjusay, tila nawalan na umano ng gana si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kinahaharap na isyu sa paggawa.
Bagama’t hinaharap naman sila ng pangulo sa mga nakalipas na Mayo 1 o Labor Day, hindi pa rin naman natutupad ang pangako nitong i-angat ang antas ng kabuhayan ng mga manggagawa.
Bigo pa rin ani Tanjusay ang administrasyon na alisin ang endo at tuloy pa rin ang pamamayagpag ng kontraktuwalisasyon at pagbibigay ng mataas na sahod sa paggawa.
Kasunod nito, binatikos ni Tanjusay ang pagmamalaki ng labor department na nakalikha na sila ng may 450,000 obrero na naregular sa kanilang trabaho.