Pinangangambahang nalunod ang nasa 700 katao sa sunud-sunod na paglubog ng mga barkong kinalululanan ng mga ito sa baybayin ng Libya nitong nakalipas na linggo.
Ayon sa United Nations High Commission on Refugees, nasa 500 mga refugees na ang iniulat na nawawala nang lumubog ang kanilang barko nitong nakaraang Huwebes.
Kabilang sa mga biktima ay mga bata at sanggol.
Samantala, tinatayang nasa 100 din ang nawawala at 45 bangkay ang lumutang sa isa pang insidente ng paglubog ng barko na puno ng mga refugees noong Biyernes.
Ayon kay Federico Fossi, tagapagsalita ng UNHCR, nakalulungkot na posibleng hindi matukoy ang mga pagkakakilanlan ng karamihan sa mga biktimang nawawala dahil walang opisyal na record ng kanilang biyahe.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: AP