Nasa 7,000 metrikong tonelada o isandaan apatnapung libong bags ng asukal mula Thailand ang hinarang ng Bureau of Customs sa port of Subic.
Naharang ang bulto-bultong refined sugar matapos i-diskarga ng cargo vessel na M/V Bangpakaew (bang-pa-kiw) kahapon.
Ayon kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, “recycled” ang import documents na iprinisenta ng nasabing barko.
Isinagaw ang aduwana ang operasyon alinsunod sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na pag-aangkat ng mga agri-product, tulad ng asukal.