Kinumpirma ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapabalik sa bansa ng may 7000 Pilipino na iligal na naninirahan sa Malaysia partikular sa Sabah.
Ayon sa Pangulo, napagkasunduan ito sa kanyang pakikipag-usap kay Malaysian Prime Minister Datuk Seri Majib Tun Razak.
Sinabi ng Pangulo na ang Pilipinas ang kikilos para maisaayos ang mga dokumento para sa dokumento ng mga Pinoy na nakakulong sa Sabah.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Len Aguirre