Simulan nang ilikas ang 70,000 mga residente malapit sa nasirang dam sa Puerto Rico.
Ayon kay Puerto Rico Governor Ricardo Rossello, anumang oras ay maaaring mabitak ang Guajataca Dam matapos itong lubhang mapinsala nang tumama ang hurricane Maria sa nasabing bansa.
Pinag-iingat ng National Weather Service ang mga tao dahil sa oras na malakas na pressure ng tubig ang inaasahang kakawala sa dam at maaari nitong tangayin ang lahat ng madaanan nito.
—-