Halos pitumpung libo (70,000) katao na ang apektado ng Hurricane Maria sa Isla Dominica sa Carribean, katumbas ito ng mahigit 90 porsyento ng buong populasyon ng nasabing lugar.
Halos mabura sa mapa ang buong isla dahil sa pinsalang idinulot ng napakalakas na bagyo.
Umaapela na ng tulong si Dominica Prime Minister Roosevelt Skerrit sa international community lalo’t halos walang naisalba ang mga residente at naputol ang supply ng kuryente maging ang mga linya ng komunikasyon.
Samantala, ramdam na sa Puerto Rico, isa sa mga US territory at US Virgin Islands sa Carribean ang hagupit ng category 4 hurricane.
Hinimok na ni Governor Ricardo Rossello mahigit 3.4na milyong residente na lumikas habang may oras pa partikular ang mga nakatira sa mga flood prone area.
Photo Credit: Reuters
—-