Iginiit ni House Committee on Ways and Means Chair Joey Salceda na 70K jeepney drivers ang makikinabang sa panukalang taasan ang Motor Vehicle Users’ Charge (MUVC) o Road Users’ Tax.
Sinabi ni Salceda na mula sa kikitain ng gobyerno, P20-B, o tig kalahating milyong piso, ay mapupunta sa jeepney drivers.
Dito ilalaan ang revenues sa loob ng unang tatlong (3) taon habang sa ika apat na taon ay 100% na itong ibibigay sa Universal Health Care (UHC).
Bukod sa maso-solusyunan ng modernisasyon ang problema sa maruming emission at polusyon, inihayag ni Salceda na layon ng panukala na matiyak ang kaligtasan sa lansangan at magkaruon ng efficient transport sector.
Ipinabatid naman ng Department of Finance (DOF) na 10% ng pamilyang Pilipino ang nagma may-ari ng 50% ng mga sasakyan sa kalsda.
Sa orihinal na panukala ng DOF, magkakaruon ng 3 year phased-in period sa Road Users Tax increase kung saan sa unang taon ay P1.40 ang madadagdag sa kada kilo ng gross vehicle weight, P1.95 sa ikalawang taon, at P2.50 sa ikatlong taon.
Sa pagtaya ng ahensya, P11.6-B ang Incremental Revenue sa unang taon, P24. 9-B sa ikalawang taon, at halos P40-B sa mga susunod na taon.