Target ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) na mabakunahan ang nasa 70M indibidwal bago matapos ang administrasyong Duterte.
Sinabi ni NTF Chief Implementer and Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang naturang target na bilang ay base sa datos na nakuha ng NVOC.
Batay sa datos ng NVOC, nasa kabuuang 74,221,490 Filipino ang nakatanggap ng kanilang unang dosis, habang 69,519,052 indibidwal ang ganap na nabakunahan laban sa COVID-19.
Samantala, ipinaliwanag ni Galvez na layunin ng gobyerno na mabakunahan ang 70M Pilipino batay sa national vaccination plan.
Gayunpaman, ang bilang na ito ay nadagdagan sa 90M dahil sa mga bagong variant ng covid-19 gaya ng mga sub variant ng Omicron na ba.5, ba.2.12.1, at ba.4 na kamakailang natuklasan sa bansa.