Umabot na sa 71.4 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Batay sa datos ng Department of Health hanggang nitong July 19, 6.7 milyong senior citizen, 9.6 million adolescents at 3.9 milyong mga bata ang nakakumpleto na ng bakuna.
Aabot naman sa 15.7 million ang nakatanggap na ng unang booster shot habang mahigit 1.1 milyong healthcare workers, senior citizens, immunocompromised at indibidwal na may comorbidities, ang naturukan ng ikalawang booster dose.