Pumalo sa 71 election-related incidents ang naitala ng Philippine National Police (PNP) hanggang magsara ang botohan kagabi.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, 16 sa mga ito ang kumpirmadong may kaugnayan sa halalan.
Kabilang aniya dito ang naganap na barilan ng mga tagasuporta ng mga lokal na kandidato sa Magsingal, Ilocos Sur at Gen. Tinio, Nueva Ecija.
Matatandaang nagkabakbakan ang kampo ng dalawang mayoral candidate sa bayan ng San Antonio, Nueva Ecija na kinabibilangan nina incumbent Mayor Alvin Salonga at katunggaling si Agripino Javier.
Napag-alamang may mga bitbit na baril ang mga tauhan ng dalawang kandidato kaya’t kapwa sasampahan ng kaukulang kaso ang mga ito.
May mga naitala ring mga insidenteng may kaugnayan umano sa pulitika sa ilang lugar sa Mindanao. —sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)