Tinatayang nasa pitumpu’t isang importers na may kinakaharap na usapin ang tinanggalan ng accreditation ng Bureau of Customs o BOC.
Ayon kay Customs commissioner Nicanor Faeldon, ang mga ito ay mula pa lamang sa Manila ports na nagkaroon ng paglabag sa patakaran ng BOC mula Hulyo hanggang Disyembre ng 2016.
Kabilang sa mga paglabag ang misdeclaration, under evaluation at iba pang smuggling activities.
Ipinabatid ni Faeldon na maliban sa mga importers ay tinanggalan rin ng accreditation ang broker ng mga ito.
By Ralph Obina