Naitala ang 71 mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Sa pinakahuling datos ng PNP health service, umabot na sa 6,586 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng nakamamatay na virus.
Sa naturang bilang, 666 ang mga itinuturing na mga active cases.
Nasa 50 naman ang naitalang nakarekober sa virus sa magdamag, kaya’t umabot na ang bilang nito sa 5,900.
Sa kaparehong datos ng inilabas ng PNP health service, nanatiling 20 ang kabuuang bilang ng mga pulis na nasawi dahil sa COVID-19. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)