Nasabat ng Bulacan Philippine National Police ang nasa 71,000 pesos na halaga ng hinihinalang ilegal na droga kabilang ang 11 drug personalities at isang wanted na felon sa ginawang anti-drug bust operation ng PNP Drug Enforcement Group kasama ang City of san Jose Del Monte police station.
Ayon kay PCOL Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP apat sa mga suspek ang nadakip ng awtoridad mula sa Santo Cristo na sina Junimel Gutierrez, Precious Jhanine Rapsing, Sina Joshua Amongo at Jazaren Mendoza na mula sa barangay Kaypian.
Habang limang suspek naman ang nadakip sa Plaridel, Marilao, Hagonoy at San Rafael na kinilala bilang sina Noel Espiritu, Rowel at Marimar Velasco, Jeffrey Ramirez ,Rene Mejica, Edwin Dela Cruz, Wenchie Largo at Gilbert Marquez.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek.