Sa kabila ng mataas na presyo ng sibuyas dahil sa kakulangan ng suplay, aabot sa 71,000 kilogram ng puslit na sibuyas ang inilibing ng pamahalaan sa Zamboanga City.
Ayon sa state-owned Philippine News Agency (PNA), inilibing ang mga gulay sa Department of Agriculture Research Center Compound sa Sitio San Ramon, Barangay Talisayan sa Zamboanga City.
Ang mga smuggled na produkto ay itinapon dahil hindi na maaaring gamitin nang bigong sumailalim sa mga inspeksyon sa kaligtasan, na posibleng magdulot ng panganib sa mga mamimili.
Sa kabuuan, nakabuo ang mga kontrabando ng mahigit 12,000 bag ng sibuyas na nasamsam sa iba’t ibang operasyong inilunsad ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas noong mga nakaraang linggo.