Umabot na sa 71,000 pasahero ang naitala sa Philippine Ports Authority.
Ito’y matapos malampasan ang pagtataya ng PPA para sa bilang ng mga biyahero bago ang katapusan ng linggo ng bagong taon.
Ayon kay PPA spokesperson Eunice Samonte, may sapat pa na mga barko para sa mga pasahero at malaking bagay ang mga online bookings kumpara sa mga hahabol para bumili ng tickets.
Maaga nila anya pinagbuksan ang kanilang passenger terminal operations upang hindi magclog ang mga pasahero.
Pinayuhan naman ng ahensya ang publiko na iwasang magdala ng mga paputok, bladed weapons at mga bagay na madaling masunog.
Hinikayat din ng ahensya ang mga pasahero na dalhin ang kanilang mga vaccination card sa oras na kakailanganin sa kanilang mga destinasyon. –sa panulat ni Jenn Patrolla