Marami sa mga Pilipino ang nababahala sa lagay kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na 72% ng mga Pilipino ang nag-aalala sa lagay ng kalusugan ng pangulo.
Sa survey ipinapakita na 25% ang nagsabing “worried a great deal” habang 47% naman ang “somewhat worried”.
Sa kaparehas na survey, lumabas rin na 61% ng mga Pilipino ang nagsasabing dapat ay ipaalam sa publiko ang tunay na lagay ng kalusugan ng pangulo.
Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents sa pamamagitan ng face-to-face interviews mula December 13 hanggang December 16, 2019.