Aabot sa 73.7-M Pilipino o katumbas ng 94.44% ng target population ng pamahalaan ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Sa nasabing bilang, 19,196 ang nakakumpleto na ng kanilang primary series mula December 19 hanggang 25.
Batay pa sa datos ng Department of Health, tumaas sa 21.1-M ang bilang ng mga indibidwal na nakatanggap ng booster shot, kung saan 48,789 ang nabigyan ng booster dose sa nasabing panahon.
Samantala, nasa 6.9-M senior citizens o 79.44% ng target A2 population ang nabigyan na ng primary vaccine series.