Halos makakamit na ng Department of Health (DOH) ang target population para sa pagbabakuna laban sa Covid-19 matapos makapagtala ng 94.45%.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, may kabuuang nasa 73.7 million na ang bakunado sa bansa.
Batay sa datos, 21.1 milyong katao ang nakatanggap ng booster shot habang 3.7 milyon sa second booster shot.
Kasalukuyang ipinagpapatuloy ng kagawaran ang pagbabakuna sa mga mamamayan para mas protektado laban sa Covid-19. —sa panulat ni Jenn Patrolla