Mahigit 73.7% o katumbas ng 49 .7-M ng mga opisyal na balota ang na-imprenta na para sa eleksyon 2022.
Ayon kay Comelec Commissioner and Head of the Printing Committee Marlon Casquejo, nasa 55% na mula sa 70% ng mga balota ang dumaan sa verification process.
Maliban dito, kumpleto na aniya ang manual ballots na gagamitin para sa Local Absentee Voting o LAV gayundin sa overseas voting.
Una nang sinabi ng Comelec na target nitong matapos ang pag-imprenta ng lahat ng opisyal na balota sa Abril a-21. —sa panulat ni Airiam Sancho