Pinakakasuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman ang nasa 73 opisyal ng mga barangay sa bansa.
Ito ay dahil sa kabiguan ng mga ito na magpatakbo ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa kabila ng banta ng DILG na mahaharap sila sa kaso kapag hindi sila nagtayo nito.
Ikinabahala din ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang nasa halos 9,000 mula sa kabuuang mahigit 42,000 barangay, ang nagsumite lamang ng kanilang drug watchlist.
Hinamon din ni Diño ang mga nais kumandidato sa barangay elections na huwag nang magtangka pang tumakbo kung di lang din kakayanin ng mga ito na masugpo ang problema sa illegal na droga sa lugar na kanilang nasasakupan.