Ipina-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang 73 Chinese National.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente ang mga naturang Chinese National ay pawang sangkot sa operasyon ng telecom fraud.
Naaresto ang mga dayuhan sa Metro Manila at Ilocos mahigit isang buwan na ang nakalilipas at naka alis lamang ang mga ito Lunes ng gabi lulan ng chartered flight ng China Eastern Airlines patungong Tianjin, china.
Sinabi ni Morente na ang pagpapauwi sa kanilang bansa ay kasunod ng inisyung summary deportation ng BI Board of Commissioners matapos ideklara ang mga ito bilang mga “undesirable alien”.
Nabatid na pawang mga pugante ang naturang mga dayuhan na pinaghahanap ng mga otoridad sa China dahil sa economic crimes.
RPE