Naniniwala ang 73% ng mga Pilipino na magiging masaya ang kanilang pagdiriwang ng pasko ngayong taon.
Batay sa resulta ng survey na inilabas ng Social Weather Stations, 6% naman ang nagsabing malungkot ang pasko habang 21% ang pareho lamang.
Bukod pa rito, ang bilang ng mga nagsabing masaya ang kapaskuhan ngayong taon ay mas mababa ng 6 points kumpara sa naitala noong pre-pandemic noong 2019 na may 79% at mas mataas ng 23 points sa naiulat na 50% noong 2020.
Isinagawa ang nasabing survey sa 1,200 adult respondents noong December 8 hanggang 11, 2023.