Pito sa kada sa sampung Pinoy ang naniniwalang may EJK o extrajudicial killings sa bansa.
Batay ito sa resulta ng pinakabagong survey ng Pulse Asia kung saan lumalabas na 73 porsyento ng mga Pilipino ang naniniwalang may EJK sa pagpapatupad ng war on drugs ng pamahalaan.
Dalawampung (20) porsyento lamang ang hindi naniniwalang may EJK habang 7 porsyento ang tumanggi namang sumagot sa naturang tanong.
Sa naturang survey din lumilitaw na 88 porsyento ng mga Pinoy ang tiwala sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Tanging 2 porsyento lamang ang hindi sumusuporta habang mababa pa sa 1 porsyento ang hindi masabi ang kanilang posisyon ukol sa laban ng gobyerno kontra droga.
Nangangahulugan itong bagamat mayorya ng mga Pilipino ang sumusuporta sa kampanya ng pamahalaan kontra droga ay malaking bilang ng mga Pinoy ang naniniwalang may nangyayaring EJK sa mga operasyon ng mga awtoridad.
—-