Aabot sa 73 katao ang patay sa pagsabog ng trak na may kargang gasolina Mozambique.
Ayon sa mga awtoridad, maliban sa mga nasawi, aabot naman sa mahigit 100 ang nasugatan sa insidente.
Lumalabas sa imbestigasyon na dinidiskargahan ng langis ang naturang fuel truck nang bigla na lamang itong sumabog.
Ang Mozambique ang isa sa mga pinakamahirap na bansa sa buong mundo kung saan kalahati ng 24 na milyong populasyon nito ang namumuhay ng mas mababa sa poverty line.
By Ralph Obina
(A badly injured person arrives at Tete hospital following the explosion that left at least 73 people dead. Photograph: Amos Zacarias/AFP/Getty Images)