Umaabot sa 73 Filipino ang pinatawan ng parusang kamatayan sa ibang bansa.
Sa naturang bilang, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. na 22 Pinoy sa Saudi Arabia ang hinatulan ng kasong murder at isa ay may kaugnayan sa droga.
Aabot naman 41 ang sinentensyahan ng kamatayan sa Malaysia kung saan dalawampu (20) rito ay dahil sa kasong drug trafficking.
Tig-dalawa naman ang naitala sa China at United States, habang tig-isa sa Kuwait, Indonesia, United Arab Emirates at Vietnam.
Bukod dito, ipinabatid ni Yasay na nakatakdang magbaba ng hatol ang Kuwait Court of Appeals kaugnay sa death sentence ng isang Pinay.
By Meann Tanbio