Pitumpu’t apat na ang patay sa serye ng pag-atake ng grupong Taliban sa ilang panig ng Afghanistan.
Ayon sa Afghan Interior Ministry, tinarget ng mga terorista sa pamamagitan ng mga suicide bomber ang mga pulis at government facility sa kabisera na Kabul, Ghazni at Paktia Provinces.
Bukod sa mga pulis, kabilang din sa mga nasawi ang 20 sibilyan.
Apatnapu’t walo namang pulis at 110 sibilyan ang nasugatan.
Ito na ang pinaka-malaking serye ng pag-atakeng inilunsad Taliban, ngayong taon lamang.