Binigyang parangal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panibagong 74 na sundalong nasugatan sa bakbakan sa Marawi city.
Kahapon personal na binisita ni Pangulong Duterte ang mga sundalo na naka confine sa Camp Evangelista Station Hospital sa Cagayan de Oro City.
Ayon kay Philippine Army 4th Infantry Division Spokesperson Capt. Joe Patrick Martinez , kabilang sa mga iginawad ng Pangulo ay ang Order of Lapu-Lapu Rank of Kampilan medal award kasama na ang baril at tulong pinansyal para sa mga bayaning sundalong nasugatan sa gyera.
Ani Martinez , malaking tulong ang pagbisita ng Pangulo sa kanilang hanay na siyang magbibigay lakas sa mga sundalong handang ibuwis ang kanilang buhay upang mabawi at tapusin na ang krisis sa Marawi.