Aabot sa 74,000 pesos ang utang ng bawat Pilipino.
Ito ay batay sa Bureau of the Treasury (BOT) kung hahatiin sa lahat ng Pilipino base sa populasyon na may 105-M ang kabuuang P7.8-T na utang ng Pilipinas noong July 2019.
Mas mataas ito ng P760-B kumpara sa utang na naitala noong 2018.
Paliwanag ng BOT, inaasahang lalaki pa ang budget deficit sa ilalim ng administrasyong Duterte dahil sa Build, Build, Build program.
Ayon sa ahensya aabot sa P677.6-B ang budget deficit sa 2020 batay na rin sa budget proposal ng administrasyong Duterte.