Nakapagtala ng isang panibagong kaso ng positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang La Union.
Ayon sa ulat, ang panibagong kaso ay isang 75-taong gulang na lola mula sa Barangay Calumbaya sa bayan ng Bauang.
Bago pa magpositibo sa virus, dumaing na ito ng ilang sintomas bagama’t wala umanong travel history o exposure sa COVID-19 ang matanda.
Kasunod nito, agad siyang inilipat sa Ilocos Training Regional and Medical Center para sa pagpapatuloy na gamutan.
Samantala, sa pinakahuling bilang, mayroong ng 15 kaso ng COVID-19 ang lalawigan.