Magtataas ng 75 basis points ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngayong linggo.
Ito’y ayon sa mga analyst para suportahan ang piso at pigilan ang inflation na umabot sa halos 14 na taon noong Oktubre.
Ayon kay BSP gobernador Felipe Medalla, handa na ang Bangko Sentral na sundin ang pangunguna ng US Federal Reserve sa agresibong paghigpit ng patakaran.
Nabatid na bumilis sa 7.7% noong nakaraang buwan ang inflation.
Iginiit ni Medalla na ang pagtaas ng rate ay maiiwasan ang isang makabuluhang pagpapaliit ng pagkakaiba sa rate ng interes sa pagitan ng Fed at ng BSP.
Magugunitang tumaas ang foreign exchange market sa mga nakalipas na buwan sa gitna ng lakas ng US dollar. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla